whew.. grabe last week.. foundation week kasi ng mapua..
at sobrang daming ngyari.. pro may isang bagay na hindi na nangyari.. anlabo no? haha…
-dumami ang aking dota experience.. these past few days, lagi ko kasing ka-jam ang mga CCE people together w/ pj.. ung mga lalaki pla sa kanila, marurunong pla magdota.. at di lang pla marunong, magagling din pla.. haha.. madalas ng akong natatalo eh.. haha..
basta pag nagkakavacant na sabay-sabay kami.. Alam na!
sa warzone na tinutuloy ang klase.. hahaha.
kaya ayan.. nalagas ang walet ko… huhu..
halos yun lang naman ang ngyari nung foundation week.. exept nung thursday, friday at s2rday.. pro ung friday p rin ung pinakamakulay na araw ko mula nung tumuntong ako sa lupa ng Mapua..
thursday... may usapan kami ni pj na gumawa ng water propelled rocket pra sa p6 contest.. pero di siya lumitaw.. kakaasar xe, di man lang niya cnabi nung wednesday ng gabi na wala cya.. nung wednesday kasi ng umaga.. oo lang siya ng oo.. akala ko, tlagang nteresado cya.. kaya aun.. pumasok pasok pa ako nung thursday.. sana pla, d nlng ako nagpakita.. wala din naman kc akong gagawin sa skul.. wala din naman akong klase.. kaya aun, mga bandang alas una, umuwi na rin ako sa bahay, para simulan yung rocket.. naipangako ko na kasi na sasali ako eh.. kakahiya naman kung bigla nlng akong mawawala..
after kong gwin ung rocket, bumalik akong mapua.. at nanood ng sayawit.. pero napancn ko, medyo parang pambiyernes-santo ata ung mukha nila.. halos karamihan ng mga kaklase ko, medyo dismayado..
napag-alaman ko pla, na di pla n2loy ung prformans nila pra sa 82 seconds of fame.. tas medyo kumulo pa yung dugo nung org president namin dahil dun..
friday.. alas otso na nung dumating ako sa skul.. dala dala yung rocket.. habang nagdadasal na sana gumana ito.. di man lang kc ako nakapag-test flight.. pagdaan ko sa Student Council.. wla pang mga naka-set-up dun.. cnabi nila na alas nwebe pa yung contest..
bumaba ako ng 9:15.. me nakapaskil dun na minove n ng 10 yung contest..
wow.. kumusta yun? dapat pla, umatend na ako ng pinoi klas ko.. alas-nwebe kasi un.. yan tuloy.. di ako naka-atend ng klase.. first ko p nman tong mag-cut ng klase.. na-break n ang record ko!!
at pagbaba ko ng 10.. iba na yung nakapaskil!!! ginawa na nilang ala-una ng hapon yun contest.. di ko naiwasang magmura ng malakas.. PUCHA!! eh di nasayang yung mga activities at lecture nung filipino.. anlabo talaga ng mundo.. ok lang sana na ganyan cla kung wlang klaseng masasagasaan eh.. kasi ba naman.. foundation na foundation day, may klase.. or better yet, pag nag-set cla ng sked.. yun na sana yun..
umatend ako ng klase.. at kumain ng lunch.. pagsapit ng ala una.. ibinaba ko n yung rocket ko.. ok lang sana na di ako maging placer.. basta, mapalipad ko lng ung rocket ko.. at mapatunayan na di ko kailangan ng pabayang kasama.. so nung turn ko na.. nilagyan ko ng maraming tubig yung rocket, pinasok yung cork, at tinusok yung cork ng karayom na nakakabit sa foot pump.. sinimulan kong bombahin yung foot pump.. maya-maya, dahan dahang tumagas yung tubig mula sa bote.. nagsimulang nadismaya yung mga taong nanonood.. at sabay bato ng mga kantsaw.. dahan dahang lumubog ang sarili ko sa lupang kinatatayuan ko.. ngunit di ko pa rin tinigilan ang pag-pump.. tumagaktak ng tumagaktak ang pawis ko, hanggang sa sinundo na ako ni ermats.. me awarding kasi ako noong mga oras na yun..
mahirap man tanggapin, pero isinuko ko n yng laban.. wala n nga talagang mangyayari sa pag pump ko sa bote..
nakakahiya sa mga tao.. at sa mag kaibigang tumayo sa likod ko at nanood.. sa mga CCE, na di ako iniwan kahit na may klase kami nung mga oras na yun.. masakit mang isipin, pero kailangang tanggapin ang pagkatalo.. bat ganun.. nagdasal naman ako.. pero walang ngyari.. di tuloy naiwasang sumagi ulit sa isp ko ang tanong na ito: Ba’t pa ba kailangang magdasal kung God’s will pa rin ang masusunod??
Cguro nga, this is to remind me to keep my feet flat on the ground kahit na marami akong natatanggap..
ewan.. di ko rin talaga alam.. di ko maintindihan..
maya maya.. may natanggap akong txt: "claudio, aus lang yan.. gwapo ka pa rin.." wala lng.. ewan ko ba kung nambobola lang to o ano… hmmm… pero, medyo natuwa na rin ako.. may tao pla kasi na andyan lng sa tabi ko tas yan pa ung cnabi nya sau pagkatapos mong magmukhang tanga kanikanina lang..
at ayun. naghilamos ako at umakyat sa seminar room para sa awarding.. Tinawag yung mga awardees sa harapan at isa-isang pinarangalan..
dalawang beses pa akong tnawag kasi, awardee ulit ako for the second quarter.. kaya, dalawang beses ding pumunta, sila ermats at erpats sa harapan.. masaya kasi, kahit papaano, napasaya ko sila..
nakakatuwa lang kasi, di ko naman tlaga inaasahan yun.. inaaim ko lng tlaga e mamaintain yung scholarship ko.. sabi pa nga nung president ng skul, dapat sa next two quarters, aakyat uli ako sa stage.. waw.. asa pa.. pero wala naman cgurong masama kung susubukan..
although, sobrang presured ako, sobrang honored and thankful ako, na natanggap yung award na yun.. kanikanina lang, nakalubog ako sa putik, pero ngayon, parang nag-iba na yung pakiramdam ko..
tas, nung araw din na yun, may nakilala pa akong, double awardee.. 1st year din.. taga CHE.. waah.. grabe, hangkyut nya.. haha.. kahit na may isang pimple siya sa pisngi, kyut pa rin tlga cya.. haha..
kinagabihan.. nanood ako ng mr ang miss cardinals.. medyo nakakantok.. hmm. c rolan nga pla ung 1st runner up kahit na humakot siya ng maraming awards.. kung ako lang sana ung tinanong ng tanong niya nung mga panahon n yun.. What if one day, nakita mo c God.. ano ung itatanong mo?
Grabe.. marami akong tanong sa Kanya.. magsawa sila sa isasagot ko.. Marami talaga akong di maintindihan.. nakakalito..
Saturday..
wala naman gaanong ngyari nung mga araw na to..
nag-collector pla ako n answer sheet para sa p6 kwis bee.. imbitado ung mga highskul.. buti nga, me pumunta mula sa skul namin.. last year kasi, wala.. nilampaso ng qsci yung mga skuls sa elims.. puro problem solving kasi.. pero nung, finals na, nayari cla dhil puro trivia lumabas.. sayang nga eh.. pero ok n rin.. 2nd qsci, tas manila sci, tas, champ ung pisay..
at oo nga pla, nakita ko uli si sir Ian.. haha.. ung teacher ko nung astro wayback in high school.. at may mga nakilala rin akong mga 3rd year.. isa na run, skulmeyt ko pla nung elem.. gulat nga ako dahil klala nya ako.. haha.. yun pla, skulmeyt ko pla cya nung elem..
nanood din pla ako ng seminar sa bio nung hapon kasama ung mga BCC..
Sunday..
grabe, ang sakit ng hita ko.. cguro nangalay.. di nga ako nakapagcmba dahil sa sobrang sakit..
knagabihan.. di ko na ididitalye.. pero, medyo kakaguilty kasi, nakasira ako ng icng relationship.. ewan.. ambigat sa loob.. di kasi ako nag-iicp eh.. padalos-dalos lang..
Tas, tambak pa yung homework.. haay.. me dalawng kwis pa pala..
———————————————————————————-
whew.. wla lang. ung linggong to.. full of ups and downs.. isang linggo lang pero parang madami ang lumipas na oras.. madaming perang nagastos dahil sa Dota.. madaming naexperience.. pero nakakalungkot lang kasi.. wala na akong taong makwentuhan ng lahat ng to.. matagal ko na siyang di nakakausap..
matagal ng di ko dinadampot ang telepono tuwing nag-aalas otso..
nakakamiss.. pero palagay ko.. wala na talaga siyang bakanteng oras.. o cguro.. ako rin.. pero bat ganun.. di man lang siya nagparamdam ni isang txt..
haha.. wla lang.. 2wing nagiring nga yung telepono sa bahay.. siya lagi pumapasok sa utak ko..
pero wla lang.. cguro nga.. di na darating yung oras na masabi ko sa kanya yung dapat kong sabihin matagal na..
ambigat sa loob.. pero plagay ko, wla na rin akong magagawa..
baka marami na akong oras na nasasayang sayo..
pasensya ka na..
cge po mga tao.. paalam.. pagapcnxahan yo na kng mdyo mahaba yung post ko…